… at talagang di ko talaga alam kung bakit walang nagtatanong nito.
Una sa lahat, kwento muna ko. Background baga.
Noong bata ako, wala kaming video games. Uso ang Coke Pog, Teks form action movies, trumpo with graffiti at sipa made from ambiguously poisonous metals. Lahat naman yun napagdaanan ko. May mga di rin ako naranasan- di ako marunong magbasketbol at magbisikleta. Pero tandang tanda ko kung bakit lumabo ang mata ko, nauubos ang aginaldo ko sa mga Pasko ng ’94-’97, naging nerd ako at nahilig ako sa libro – ang lahat ay dahil sa puro at walang habas na kabatohan (boredom).

Brief Interviews With Hideous Men - No, I haven't read this yet, but I surely would like to. Malapit na ang Pasko. I'm just putting it here so I can interest any of you to buy it and read it. Then give it to me.
Pag kasi bakasyon na, yung dalawang buwan ng Abril at Mayo e hindi naman pulos cartoons ang nasa ere. Sure kabisado ko na ganito ganyan timeslot ng Cedie, Peter Pan at kung ano ano pang pakulo ng Pierrot animations kasabay na ang Ghostfighter sa channel 13, at iba pang mga obscure animation na nandiyan. Basta may kulay, patusin na. I remember watching Aeon Flux when I was 13.
Batong bato na ko nun. Nagsimula sa mga old recipe books, kasi natutuwa ako kapag nag- iisip ng nagong makakain (bata pa lang masiba na). Nang natapos, natuloy sa mga recipes sa 70′s and 60′s Reader’s Digests, na ipapakain yata sa ng nanay ko sa aalagaang anay. Nang natapos, yung mga joke sa end ng every article sa RD, tapos yung mga article na. May degree of desperation and boredom po.
Hanggang ngayon, ganito pa rin ako magbasa ng Reader’s Digest- uunahin muna yung mga recipe page ads ng Campbell’s Soup, Jell-O at Swanson’s frozen dinners. Nakakaaliw naman pag may naiimbento na naman silang bagong putahe mula sa Spam. Pero Spamburger yung default talaga.
It snwoballed. Bawat taon ganun, hangga maubusan na ko ng babasahin. May komiks phase siyempre- Funny, Wakasan, Engkantado, Shocker at Pantasya. Magazines at mga labels nga de lata ang mga sumunod (oo, recipes pa rin ang una- de rigeur na yon).
Dahil sa komiks, nagkainteres di ako sa encyclopedia. Mythology kasi di ba? Pero nilalaktawan ko yung mga pangit na entries. Like Particle Physics o seventeenth century Earldoms.
Bawat grado ng elementarya, bago nga libro ko tuwing Mayo. E di yun ang binasa ko kasi ang Filipino at English books maraming kwento. Doon ako natutong magmahal ng mga maiikling kwento. Hanggang natuloy din yon sa mga maiiklung dulang nakapaloob sa libro. Naalala ko panay bagsak ko sa test kasi di ko na binabasa yung kwento pag inassign- kasi tamad ako kasi nabasa ko na. Di ko naman maalala yung mga maliliit na detalye e.
Nang matapos na ang mga yun (at naubos ang nga de lata), boredom na naman. Desperasyong maaliw. Malibang. Ano bang meron sa bahay? Bungkal dito, bungkal don. Hanggang sa-
Oo. Pinatos ko din ang mga Harlequin romance books. I still can’t believe it. Boredom is crazy shit. Tsaka mga Tagalog pocketbooks. Eto totoo ha, iba kalidad ng mga pocketbooks noon. Mas malalim. May substance. Mas nakakakilig. Ahem.
Anyway, so yun na nga, pakapal ng pakapal, palalim ng palalim. Lumabo na ang mata ko kababasa sa mahinang ilaw.
(END OF PART 1 of 2. May punto to pramis, ayoko lang humaba kasi the longer the blog post, the less likely its going to be read.)
nakakarelate ako down to the harlequin romance at tagalog pocketbooks! hahah. asan na kasunod?
pag kasi wala kang pambili ng libro, kahit ano papatusin mo na kung bored ka. Wait ka lang sa next post Nix.
kakatuwa ka naman. Ako programming books ang gustong basahin. hahaha!
Programming books? Hala di kaya ng powers ko yon. O k lang walang basagan ng trip hehehehe.
gusto q din un magbasa ng programming books kaso sobrang hirap pag magpro2gram nah…haay