December 2, 2008...7:40 pm

May Problema Ako Sa Pagbabasa’t Libro (Part 2) …

Jump to Comments

… (Tagal kong di nakapagpost dito sa WP kong tamad kasi nabadtrip ako last time, kinain yung post ko. I mean, nawala yung post ko at di man lang nasave. Anyway, on to part 2 …)

Okay…san na nga ba tayo? Yeah, well matakaw ako nun magbasa. Gaya lahat ng nerds and normal reading people, dumaan din ako sa mga normal nerdic readings – Hardy Boys, Nancy Drew, Goosebumps at Choose Your Own Adventure. At nakabasa din yata ako ng Bobbsey Twins, pero di ko sila trip. Itong mga book franchises na ito yung mga unang books lang ang maganda, paglaon nagiging predictable na.

I WUV Demotivators.

I WUV Demotivators.

At tutal, mukhang confession na ito, sige na, pinatulan ko din yung, ahem, ilang Sweet Valley High at isa o dalawang Unicorn Club paperbacks. Oo, isa o dalawa lang (pagbigyan na).

I got into appreciation of classics there at pagtuntong ng highschool. Minibooks na may illustration ng Captains Courageous, Robinson Crusoe. I submitted an abridged version of David Copperfield sa English teacher ko nun (na mainit ang dugo sakin) for a book review project na pinagagawa nya samin. Ang sabi ba naman sa akin, di daw pwede autobiography. Shet. At autobiography pa daw. Nung magician.

Yung buong kampon ng ICSB Batch 2001 ay nirequire na pinagbasa ng ilang matitinong libro ng aming mge prefects na pari. Kunsabagay talaga, they were on the right track na gawin kmaing sibilisado. We got to read the full David Copperfield, Animal Farm, at eto matindi: Og Mandino books. Palagay ko, kung uso na nun Coelho books e yun papakain samin. Sila Father talaga oo mga fanboys minsan.

Grumaduate kami nun na maipagyayabang na naintindihan naman namin ng konti ang Catcher in the Rye. (Well, at least I do. Konti. Medyo.)

College: aside form the required reading ng mga intelehente kong mga propesor, nalulong din ako sa book spelunking- rummaging through the dark sects of Recto for books. Fit na fit naman ako, di ako mukhang mayaman, at yun lang talaga kaya ko, tawaran talaga sa inaanay at maalikabok na libro. Mahal na singkwenta pesos. Yung kaibigan kong si Mardev ang minsan kayayaan ko, ayus yun, di halatang mahilig siya sa libro at mukhang adik adikan so okey di kami gagalawin kahit saan pumunta.

Duon, sa mga pinaglipasan ng mga mambabasa, sa mga pinagsawaan, ay parang wonderland. Murang makilala ang mga classics, at walang magjujudge kung ang binabasa mo ay Star Trek o Danielle Steele. (Hulaan nyo kung ano binabasa ko sa dalawa? Star Trek siyempre).

Zafra to Kafka, King, Castaneda, Dostoevsky, Camus. Okay, okay, you won’t find Camus on a bookaterya, pero its considered gold if you do, paydirt ika nga. Ang mga graba don e yung mga tipong Bonfire of the Vanities atsaka I’m Ok, You’re Ok.

Dahil siguro sa laking Recto ako, alam ko kung ano ang pakiramdam ng mga ilang bagay tungkol sa libro:

- Iba ang karanasan ng pagbabasa ng lumang libro at bagong libro. MAs masarap pag bago-bago pa.

- Masarap makaranas ng libro lalo na kung may pangkain ka pang natira matapos mabili ito.

- Naknampotek mahal ang bagong libro – at usually, kung sino pa ang may pera, yun pa ang di nagbabasa.

Ito nga problema ko sa libro. Rephrase: ito ang problema natin sa libro at pagbabasa. Mayroong pagbaba ng kalidad ng pagsusulat at pagsasalita sa Ingles sa Pilipinas. At daragdagan pa natin ng mahal na libro. Alam kong alam mo ito. At minsan, ang pakiramdam kong ang libro at nag presyo nito ay para sa mga elitista (na karamihan ay posers lamang) ay nakakapanlumo.

Binibigyan tayo ng paradox e: how come mas mahal ang libro ngayon kumpara nuon e mas konti nga ang mga literate ngayon? It defies the Law of Supply and Demand. Tumatambling sa ataol si Adams somewhere.

Alam kong hirap din ang mga publishing houses, at kalaban nila ang net ngayon. At kahit magpro bono pang magsulat si Mang Krip, Mang F. Sionil and company e baka wala ring mangyari. Kaya isa itong suliraning masalimuot. Di matanaw kung may solusyon.

Isa pa itong net. Sabihin na nating yeah, I could read a book from the Internet, pero hindi ito gaya ng pagbabasa ng aktwal na libro. Dapat maintindihan ng maga tao, at lalo na ng mga bata, na may intimacy sa pagbabasa ng papel, na may karakter at samyo ito na di maibibigay ng LCD screen.

Sa net, nagmamadali ang mga mata ko at napapagod. Skimming through is the automatic reflex whenever were in the net because there is so much to see, so much unnecessary distractions.  Because there is so much to see, di na natin napapakielaman ang kahulugan sa ilalaim ng bawat kataga, at sayang, pingapaguran yun ng manunulat e.

Malaki ang problema natin sa pagbabasa. Mahirap itong ituro kasi ang totoo, hindi ito naituturo ng basta basta. Mahal na nga ang libro (at naglalaho na ng mga bookaterya), at tinatamad pa ang mga batang magbasa. Projection: two choices, either mamamatay tayong lahat dahil sa kabobohan or mamamatay tayo dahil sa kabobohan ng ibang tao. Götterdämmerung po.

Leave a Reply