… food
Ano ba yan, Pasko na naman. Napapaisip na naman ako kung ano ba talaga ang Pasko para sa akin. Sawa na rin ako sa kakaisip na malamig na naman ang Pasko ko- masyado nang gasgas.

Noong bata pa ako, my Christmas money and time was well spent sa mga mal. Iniisip ko nung kung yung scent nga mall can be put into a bottle. Parang Glade?
Sabi ni Ronald, isa sa kaibigan ko, ang Pasko daw ay bertday ni Santa Claus.
Sabi naman ng Philippine Daily Inquirer, na kaibigan ko din (kaibigan ng lahat, di lang pampamilya pang- isports pa) e ang Christmnas daw e yung pagkapanalo ni Pacquiao. (Pag usapan e Pacquiao, laging sasagi sa isiapn ko yung sinabi ni Lolit Solis sa isang radio interview: “Kahit mukha kang isnatcher Manny, at least mayaman ka na ngayon”)
Kung mga TV station IDs naman ang papanuorin mo, sasabihin nila na ang Pasko ay pamilya, puso- yet we all know na ang gusto lang nila ay panuorin mo sila- depicting their TV stars as parang mga nimimiyesta.
Sabi ng Coke, Pasko daw is Coke.
Sasabihin ng mga idealists, Christmas is for family, bonding, camaraderie (na incidentally, isa sa mga pinakmumuhian kong salita sa English vocabulary).
Cheesy.
Matagal ko nang gusto ng White Christmas. A relaxing Christmas fantasy for me, e yung siguro nasa isang magandang hotel ako sa Aspen, Colorado while sipping some hot spiced apple cider. Tsaka may apat na cute girls akong kasama. Or dalawang Scarlett Johannsens. O dalawang Leighton Meesters.
Well ang totoong nangyayari sa Pasko sa bahay namin e ganito: kailangan kong magluto.
Wala kasing magkukusa samin. Wala na nga akong snow, o hot apple cider (na hindi ako gumawa) tapos mukha pang kawawa yung lamesa namin? Tsk.
Kung pababayaan ko naman ang nanay ko, naku malamang baka may lutuing kakaiba yon. O yung default na paborito nya pag malamig: lugaw na may halong paa at ulo ng manok. Oo yuck.
Eto scenario ng lamesa pag di ako nagplano nagluto ng konti man lang: chicken lugaw (helmet tsaka adidas), tinapay (kung himala at sinipag yung kapatid kong bumili), tsaka malamang yung palabok na binibigay ni Aling Imelda (kumare ng nanay ko) na ang gamit e spaghetti. Oo palabok with spaghetti pasta.
Siguro ang Pasko para sa akin e yung pagluluto ko (yun e kung trip ko harharhar), yung 13th month pay tsaka yung bakasyon. Uy tsaka yung malalamig na gabi.
Na oo walang kasama.
Pero idealistic pa rin naman ako. Nakatulong na ako kay MarketMan and his drive. Sarap ng feeling. Please join if you can.
2 Comments
December 9, 2008 at 8:22 pm
yung site mo unang tagalog na nakita ko. Galing! I will help first by sending your post to as many contacts as possible. mabuhay!
Naku mainam yan. Let’s help MarketMan and feed those kids! Welcome sa BB!
December 10, 2008 at 3:22 pm
to each is own….iba-iba talaga ang paraan ng tao sa pasko.lalo na dito sa ‘tin sa Pilipinas. ako don sa mga naniniwala na para sa pamilya ang xmas. di bale na di ka naniniwala na birthday ni Jesus yun. tsk yun na rin, 13th month pay staka bakasyon.